Hindi awtomatikong mabubura o mapapawalang-bisa ang mga probisyon ng betrayal of public trust sa Senate Impeachment Court laban kay Vice President Sara Duterte kahit pa isauli nito ang mga pondong pinalabas na disallowed ng Commission on Audit (COA).
Sa isang press conference, nilinaw ni Private Prosecutor Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. ang pagkakaiba ng proseso ng COA sa pagbawi ng pondo at ng impeachment trial bilang isang konstitusyonal na hakbangin.
kasunod ng mga ulat na umabot sa humigit-kumulang ₱448 milyon ang kabuuang halagang napabilang sa Notice of Disallowance para sa Office of the Vice President (OVP).
Paliwanag ni Tolosa, kapag naglabas ang COA ng Notice of Disallowance, dalawa lamang ang maaaring maging hakbang ng isang opisyal: ang mag-apela sa Commission Proper o ang isauli ang pera (restitution).
Binigyang-diin ng abogado na ang pagpiling isauli ang pera ay may katumbas na pag-amin na nagkaroon ng anomalya sa paggasta. | ulat ni Melany Reyes