Hinikayat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pribadong sektor na tumulong sa pagpapalakas ng livestock at meat processing industry para mapanatili ang suplay at presyo ng karne.
Sa anibersaryo ng PAMPI sa Cebu City, sinabi ni Tiu Laurel na malaking katuwang ang industriya sa food security sa gitna ng ASF, avian influenza at iba pang hamon.
Patuloy nitong pinalalakas ang hog at poultry programs, biosecurity at disease control laban sa mga sakit ng hayop.
Gayunman, sinabi ni Tiu Laurel na kailangan ang suporta ng pribadong sektor upang tuluyang mapabangon ang industriya.
Hinimok din niya ang mga kumpanya na mamuhunan sa teknolohiya para mapahusay ang produksyon at food safety.
Aniya, mahalaga ang matatag na meat industry upang matiyak ang sapat at ligtas na pagkain para sa mga Pilipino. | ulat ni Rey Ferrer