Wala pang natatangap na report ang Philippine Embassy sa Korea na Pilipinong naapektuhan ng matinding init ng panahon o heatwave sa nasabing bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng all time high na 42.5 degrees celcius nitong lingo at humidity pumalo sa 60 degress sa nasabing bansa na siyang kinasawi ng 16 na katao.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Welfare Officer and Attache’ On Site Welfare Office South Korea, Cornelia DG Chanco sinabi nito na extremes ang lagay ng panahon sa South Korea lalo sa Southeastern Region ng bansa na nakakaranas ng matinding init ng panahon.
Dinagdag pa ng Welfare Officer na laging nagpapa-alala ang embahada sa mga Pilipino sa South Korea panatiliin ang pag-iingat sa harap ng nararanasang heatwave sa South Korea.
Mismong si South Korean President Lee Jae-Myung nagbibigay babala sa mga mamayan nito na mag ingat sa epekto ng matinding init ng panahon at pinag-utos sa ibat ibang ahensya ng gobyerno sa South Korea na suportahan ang mga apektadong mamamayan at sektor ng industriya sa bansa.