Pinaalalahanan ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na mag-ingat, maghanda, at tumutok sa lagay ng panahon, gayundin sa mga abiso ng awtoridad ngayong panahon ng tag-ulan dulot ng Bagyong #MaymayPH at Habagat (Southwest Monsoon).
Batay sa abiso ng PAGASA, isinailalim sa orange rainfall warning dahil sa Bagyong #MaymayPH ang mga lalawigan ng La Union, Pangasinan, Benguet, at Zambales.
Habang yellow rainfall warning naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Ifugao, Mountain Province, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro.
Ayon pa sa OCD, asahan pa rin ang mga pag-ulang dala ng bagyo at Habagat hanggang bukas sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.