Binigyang-diin ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mukhang hindi na kakailanganin pa ang pagpapatupad ng ₱50 per kilo na price cap sa 5% broken na imported na bigas.
Ayon mismo kay Laurel, base na rin sa pag-iikot nila sa mga palengke at pamilihan, ay stable na ang presyuhan ng bigas na hindi na lumalagpas sa ₱50 per kilo ang mga 5% broken imported rice kahit pa hindi na umiiral ang price cap.
Sa katunayan may mga puwesto pa silang nakitaan ng ₱47 at ₱48 per kilo na bigas na isang magandang senyales ng price stability ng bigas.
Sa kabila nito ay patuloy naman ang panawagan ni Laurel sa rice importers na itigil muna ang pag-import ng 5% broken imported rice upang masuportahan naman ang local retail rice at mga magsasakang Pilipino.