Itinuturing ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Poe na malaking tagumpay para sa mga konsyumer ang utos ng Energy Regulatory Commission o ERC na i-refund ng Meralco ang humigit-kumulang ₱9.5 bilyon s0brang singil sa kuryente sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay Poe, tugon ito sa House Resolution No. 1126 na kanyang inihain upang mapabilis ang pagbabalik ng sobrang nakolektang bayarin sa kuryente.
Sa pagdinig ng House Committee on Energy, una nang iminungkahi ng Meralco na isauli ang mahigit ₱9 bilyon sa loob ng 36 na buwan.
Ngunit sinabi ni Poe na masyadong matagal ang tatlong taong paghihintay para sa perang hindi naman dapat nakolekta.
Aniya, mas makabubuti sa mga konsyumer ang naging desisyon ng ERC na pabilisin ang refund at dagdagan pa ang halagang isasauli.
Binigyang-diin din naman ng mambabatas na hindi dapat magtapos sa refund ang usapin dahil kailangang maging tama, kumpleto at malinaw ang pagbabalik ng pera sa bawat kwalipikadong kostumer. Tiniyak din niya na ipagpapatuloy ng Kamara ang oversight nito upang masigurong maipatutupad ang refund at mapangangalagaan ang kapakanan.
