Screenshot
Muling isasailalim sa Yellow Alert Status ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Visayas Grid mamayang hapon.
Ito’y dahil sa nananatiling manipis ang suplay ng kuryente sa naturang grid.
Batay sa abiso ng NGCP, epektibo ang Yellow Alert mula 4PM hanggang 8PM.
Nabatid na apat na planta ang bagsak habang nasa 13 naman na mga planta ang gumagana subalit nasa derated capacities o kapos sa suplay ng kuryente.
Kagabi, lalo pang numipis ang suplay ng kuryente kaya’t itinaas pa ito sa Red Alert status at kinailangan ding magpatupad ng rotational brownout.
