Nananatiling matatag ang presyo ng pagkain sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Kasunod ito ng inflation report ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan bumagal sa 6.2% ang headline inflation nitong Hulyo at nanatili sa 5.3% ang food inflation.
Iniulat din dito ang bahagyang pagbaba ng presyo ng bigas at gayundun ng karne.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakatulong ang mga intervention ng pamahalaan para mapanatiling sapat ang suplay at abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Gayunman, kailangan pa rin umanong paigtingin ang mga hakbang dahil sa banta ng El Niño at pabagu-bagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Patuloy namang pinalalawak ng DA ang financial assistance, input subsidies at iba pang suporta para sa mga magsasaka at mangingisda upang mabawasan ang epekto ng mataas na production at fuel costs.
Gayundin ang pagkukunsidera sa posibilidad ng retail price cap sa bigas, kung kakailanganin batay sa kondisyon ng merkado.