Ipinunto ng isang law expert na ang impeachment proceedings ayon sa Korte Suprema ay hindi lamang itinuturing na legal aspect kundi mayroon ring political aspect.
Ito’y kaugnay ng naging presentasyon ng mga ebidensya at witness ng prosecution panel sa nangyayaring pagdinig sa Article I ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Attorney DJ Jimenez, Law Professor ng University of Santo Tomas, binigyang-diin nito na dapat ikonsidera ng Senate court ang ligal at politikal na aspekto dahil hindi ito isang ordinaryong court proceedings na mayroong criminal prosecution.
Aniya, sa impeachment trial, inuusisa o pinatutunayan kung mayroon bang nangyari na “betrayal of public trust” ang isang opisyal na magdedetermina kung kuwalipikado pa itong manatali sa puwesto bilang isang public official.
Gayunman, sa pagharap aniya ng testigo mula sa Commission on Audit, naging maayos naman aniya ang mga sagot nito sa isinagawang direct and cross examination ng mga senator judge dahil sa nailatag nito ang mga panuntunan sa paggamit ng intelligence at confidential funds ng isang opisyal.