Umabot na sa halos 24,000 pamilya o 80,633 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Habagat pati na ng nagdaang bagyong Luis at Maymay.
Batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabilang sa nakaranas ng epekto ng kalamidad ang CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol region, at Zamboanga Peninsula.
Sa ngayon, mayroon pang halos 7,000 residente ang nananatili ngayon sa evacuation centers dahil sa bagyo.
Nakapaglaan naman na ang DSWD ng inisyal na ₱1.1-million humanitarian assistance sa mga apektado.
Kabilang sa ipinamahagi na nito ang ready-to-eat food boxes sa mga na-stranded na pasahero sa mga pantalan at gayundn ang family food packs sa mga inilikas na pamilya.