Inalerto ng Department of Environment and Natural Resources–Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) ang mga local government unit (LGU) sa patuloy na banta ng landslide, flash flood, at pag-agos ng debris dulot ng bagyong Maymay at habagat.
Sa inilabas na abiso ng ahensya, tinukoy ang 8,891 barangay sa walong rehiyon na nasa panganib ng landslide at pagbaha, batay sa geohazard maps ng MGB at 72-hour rainfall forecast ng PAGASA.
Kabilang sa may pinakamaraming barangay na posibleng maapektuhan ang Ilocos Region at Central Luzon.
Samantala, 1,403 na barangay din sa Metro Manila ang nakikitang nanganganib sa matinding pagbaha.