Walang tigil ang repacking operations ng Family Food Packs (FFPs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Disaster Resource Centers nito, bilang bahagi ng response efforts sa epekto ng habagat at bagyong Maymay.
Sa pangunguna ng mga tauhan ng DSWD at katuwang ang mga boluntaryo, patuloy ang pagbuo ng FFPs para matiyak na sapat ang relief supplies na maaaring agad na maipadala sa mga komunidad na maaapektuhan ng kalamidad.
Sa ngayon, may naka-pre-position nang higit limang milyong Family Food Packs, na pinakamalaking national stockpile ng DSWD.
Bukod dito, mayroon ding 349,941 ready-to-eat food boxes at 257,875 non-food items na nakaimbak sa mga warehouse ng ahensya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nakaalerto rin ang disaster response teams ng DSWD para agad na makapagbigay ng augmentation support sa mga Field Office at lokal na pamahalaan, kung kinakailangan.
Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga weather advisory at sundin ang mga abiso at direktiba ng kanilang mga lokal na pamahalaan.
📸 DSWD

