Patatatagin pa ng Pilipinas at Australia ang matagal nang ugnayan at pagtutulungang pandepensa sa rehiyon ng Indo-Pasipiko.
Ito’y sa pagbisita ngayong araw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Darwin, Australia para sa ikatlong Philippines-Australia Defense Ministers’ Meeting.
Doon, makikipagpulong si Teodoro kay Australian Deputy Prime Minister at Minister for Defence Richard Marls bilang bahagi na rin ng ika-8 dekada ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Australia.
Inaasahang tatalakayin dito ang pagpapaibayo ng joint bilateral at multilateral military exercise gayundin ang pagpapaigting ng maritime cooperation activities, infrastructure development, at matatag na people-to-people ties.
Isasagawa ang pagpupulong kasabay ng nagpapatuloy na Exercise Pitch Black 2026 kung saan, kapwa sasaksihan ng dalawang opisyal ang pagsasanay sa pagitan ng Royal Australian Air Force na siyang host at ang Phiippine Air Force.
Ito ang ikalawang pagkakataon na lumahok ang Air Force as naturang pagsasanay na kinabibilangan ng 160 tauhan at apat na FA-50 fighter aircraft ng bansa.