Nadagdagan ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong buwan ng Hunyo ayon yan sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa pinakahuling labor force survey ng PSA, umabot sa 95.1% ang employment rate o katumbas ng 50.66 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa.
Ito ay dagdag na 1.03 milyong employed mula Mayo, at 184,000 naman kung ikukumpara sa parehong buwan noong 2025.
Samantala, bahagyang tumaas naman sa 4.9% ang unemployment rate mula sa 4.8% noong Mayo, habang ang underemployment o bilang ng mga manggagawang kulang sa oras o hindi sapat ang kita ay tumaas din sa 12.1%.
Ayon sa PSA, kabilang sa mga sektor na may pinakamalaking pagtaas sa employment mula sa nakalipas na buwan ay ang agri at forestry, service activites, public admin and defense, wholesale at retail trade at ang education sector.

