Nakahanda na ang mga evacuation center at relief item sa Cagayan Province para sa mga maaapektuhan ng Bagyong #MaymayPH.
Sa programang Boses, sinabi ni Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Rueli Rapsing na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang nararanasan ngayon sa Southern portion ng lalawigan habang moderate hanggang sa malalakas na ulan at bahagyang malakas na hangin sa Northwestern section.
Nakataas ngayon ang blue alert status sa buong Cagayan habang naka-standby ang lahat ng kanilang assets, gamit at rescuers.
Samantala, nasa 166 meters ang lebel ng tubig sa Cagayan River, malayo sa 180 meters below normal level.