Development Framework ng bansa para tugunan ang sakuna, kalamidad, dapat nang baguhin para hindi masayang ang proyekto ng pamahalaan
Kinakailangan nang baguhin ang development framework ng Pilipinas kaugnay ng pagtugon sa sakuna at kalamidad.
Sa programang Boses, sinabi ni Office of the Civil Defense (OCD) 11 Regional Director Ednar Dayanghirang na kahit may mga nagawang proyekto ay masisira lang ng sakuna dahil hindi nasusunod ang parameters sa disaster resilience.
Halimbawa na aniya rito ang mga lugar na may banta ng landslide o pagbaha, subalit pinagtatayuan naman ng mga proyekto, kahit may panganib.
Ganito rin aniya ang nangyayari sa ginagawa nilang rehabilitasyon sa Davao Region na lubhang napinsala dahil sa malakas na lindol.
Aniya, nasa P5 bilyon pa lang ang kasalukuyang pondo nila para makabangon ang rehiyon mula sa pinsala ng lindol at nagdaang kalamidad.