Tatlong panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes upang ipagpaliban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026.
Dalawa sa mga panukala ang naglalayong ilipat ang halalan sa Nobyembre 2028, habang isang panukala naman ang nagmumungkahing idaos ito sa Mayo 2027.
Pare-parehong binanggit sa explanatory notes ng tatlong panukalang batas ang desisyon ng Korte Suprema sa Macalintal vs. Commission on Elections (COMELEC), na nagsasabing maaari lamang ipagpaliban ang isang halalan kung may “important, substantial, or compelling reasons,” bilang batayan na naaayon sa Konstitusyon ang kanilang mga panukala.
Sa ilalim ng House Bills 10584 at 10591 iminumungkahi na idaos ang halalan sa huling Lunes ng Mayo 2028.
Samantala, sa House Bill 10583, iminungkahi namang ilipat ang BSKE sa huling Lunes ng Mayo 2027
Kapwa tinukoy sa mga panukala na marapat lamang ipagpaliban ang halalan bunsod ng epekto ng pandaigdigang krisis sa enerhiya, mataas na inflation, serye ng malalakas na lindol, at upang mabigyan ng sapat na panahon ang Commission on Elections na paghandaan ang kauna-unahang regular na Bangsamoro Parliamentary Elections.