Patuloy na pinaalalahanan ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na mag-ingat, maghanda, at tumutok sa lagay ng panahon at sa mga abiso ng awtoridad ngayong panahon ng tag-ulan dulot ng bagyong #MaymayPH at Habagat.
Batay sa abiso ng PAGASA, isinailaim sa ORANGE rainfall warning ang mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Benguet at Pangasinan kung saan, asahan na ang 100 hanggang 200 milimetrong dami ng ulan dulot ng bagyo.
Habang YELLOW rainfall warning naman ang itinaass sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Abra, Apayao, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan dulot ng bagyo.
Habang nasa kaparehong rainfall warning ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, and Occidental Mindoro dulot naman ng Habagat.
Dahil dito, asahan na ang 50 hanggang 100 milimetrong dami ng ulan sa mga lugar na nasa ilalim ng YELLOW rainfall warning.