QCDRRMO, nag-set-up ng evacuation area para sa mga alagang hayop ngayong masama ang panahon
Nag-install ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ng dalawang steel tents sa Barangay Payatas na magsisilbing evacuation area para sa mga alagang hayop.
Isinagawa ito alinsunod sa kahilingan ng City Veterinary Department bilang bahagi ng paghahanda ng lungsod sa mga posibleng kalamidad.
Layon ng hakbang na matiyak ang ligtas at maayos na pansamantalang matutuluyan ng mga alagang hayop sakaling magkaroon ng evacuation dahil sa bagyo, baha, o iba pang sakuna.