Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño at matagal na tagtuyot, pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong October 23 ang Tugbong Solar Pump Irrigation Project sa bayan ng Kananga, Leyte, na naglalayong matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig para sa mga sakahan.
Nagkakahalaga ng ₱91.5 milyon ang proyekto na pinangunahan ng National Irrigation Administration (NIA). Inaasahang makapagbibigay ito ng irigasyon sa buong taon sa 185 ektarya ng lupang sakahan, at direktang makikinabang dito ang 153 miyembro ng samahan ng mga magsasaka sa bayan.
Sa pamamagitan ng solar-powered irrigation system, layunin ng proyekto na matugunan ang kakulangan sa tubig na maaaring idulot ng El Niño, partikular sa panahon ng matinding init at kawalan ng sapat na pag-ulan. Inaasahang makatutulong ito upang mapanatili ang sapat na tubig para sa mga pananim at maiwasan ang malaking pagbaba sa produksiyon ng palay at iba pang produktong agrikultural.

Rechelle GaliciarpelleEdit Profile
Bahagi rin ito ng mga hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang kahandaan ng sektor ng agrikultura sa mga epekto ng pagbabago ng klima at mabawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka dahil sa matagal na tagtuyot.
Sa tulong ng naturang pasilidad, inaasahang mas mapoprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka, mapananatili ang produktibidad ng mga sakahan, at mapalalakas ang seguridad sa pagkain sa gitna ng banta ng El Niño.