Kumpiyansa ang Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging taas-presyo hanggang December 31, 2026 sa mga pangunahing bilihin na mino-monitor ng ahensya.
Sa isang panayam kay DTI Secretary Maria Cristina Roque matapos aniya ang pakikipagpulong nito sa manufacturers nakakuha siya ng commitment o pagpayag na hindi magpapatupad ng price increase hanggang December 31, 2026.
Ito ay kahit pa may pagtaas ng presyo ng langis, pagbilis ng inflation, at paghina ng piso kontra dolyar.
Pero paliwanag ni Roque hindi naman kasama rito ang noche buena items na karaniwang binibili kapag holiday season.
Kabilang lang dito ay mga delata, tinapay, gatas, asukal, bottled water, sabon, kandila at iba pa.