Binigyang-diin ni TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre na hindi dapat gawing dahilan ang pagiging resilient ng mga Pilipino upang magkulang o magtipid sa pagbibigay ng serbisyong publiko.
Giit ni Acidre, dapat patuloy na suriin at timbangin ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang performance upang totoong matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
Inihayag ito ng mambabatas sa kaniyang pagdalo sa Philippine Society for Public Administration’s 2026 International Conference.
Nagbabala rin ang kinatawan laban sa pagkaantala sa proyekto (delays), hindi natatapos na mga imprastraktura, at kakulangan sa pasilidad—mga bagay na “dapat na lamang tanggapin” sa halip na agad resolbahin ng gobyerno.
Inihayag din niya na ang mahabang pasensya ng publiko ay hindi nag-aalis sa responsibilidad ng mga institusyon na maghatid ng epektibo at maayos na serbisyo.
Aniya, bagama’t mahalagang pangalagaan ang pondo ng bayan, dapat ding siguruhin ng pamahalaan na ang mga pondong ito ay totoong kapaki-pakinabang sa mamamayan.