Nakalaya na ang nasa 38 persons deprived of liberty (PDL) sa isinagawang “mass release” ng Mandaluyong City Jail Male Dormitory ngayong araw.
Ito ay makaraang napagsilbihan nila ang kanilang sentensya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at Time Allowance for Study, Teaching and Mentoring (TASTM).
Sabik na sinalubong ng kanilang mga kaanak ang mga bagong layang PDL matapos ang mahabang panahon ng pagkakakulong.
Ayon kay Mandaluyong City Jail Warden JCInsp. David Jambalos, bago palayain ang mga PDL, sumailalim sila sa skills enhancement program upang magamit ang kanilang mga natutunan sa kanilang bagong buhay at paglaya.
Nabatid na regular na isinasagawa ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalaya sa mga PDL upang matulungan ang pagbabago ng mga inmate at mabawasan ang siksikan sa mga piitan.
Ngayong taon, 370 PDL na ang napalaya sa Mandaluyong City Jail.