Nakatutok ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa sitwasyon ng mga lugar na apektado ng pag-ulang dala ng bagyong #MaymayPH at Habagat.
Batay sa datos ng NDRRMC, pumalo na sa 23,946 na pamilya o katumbas ng 80, 633 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon.
Nasa 2,215 pamilya o katumbas ng 6,929 na indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa may 39 na evcuation centers sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Zamboanga, Bangsamoro Autonomous Region at Cordillera.
Nasa 83 lugar naman sa mga rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Zamboanga at Bangsamoro ang napaulat na binaha.
Aabot naman na sa ₱1.38 milyong piso ang naipaabot na tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng kalamidad.