Personal na nagtungo si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman, Atty. Don Artes kay National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Melvin Matibag.
Ito’y para hingin ang tulong ng ahensya kaugnay sa pagkalat ng mga pekeng text message na nagpapanggap na opisyal na abiso hinggil sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay Artes, bukod sa NBI, makikipag-ugnayan din ang MMDA sa iba pang ahensya gaya ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Layon nitong palakasin ang kanilang kampanya laban sa mga scam at matukoy ang mga indibidwal o grupong nasa likod ng mga mapanlinlang na mensahe.
📸 MMDA

