Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 47 na nagbibigay kapangyarihan sa Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magtalaga ng kinatawan sa pag-apruba ng foreign travel requests ng mga lokal na opisyal.
Layunin ng bagong kautusan na pabilisin ang pagproseso ng mga travel application, mapahusay ang burukratikong kahusayan, at mapalakas ang koordinasyon sa gitna ng lumalaking pangangailangan sa pamahalaan, habang nananatili ang sapat na pangangasiwa sa mga local government units.
Inamyendahan ng Administrative Order No. 47 ang Administrative Order No. 267 (1992), alinsunod sa Local Government Code, na nagtatakda ng mga pagkakataong kinakailangan pa rin ang pahintulot ng Office of the President para sa foreign travel ng mga lokal na opisyal.