Umabot na sa Php 29.2 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng pinalakas na habagat at bagyong Kiyapo, batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture.
Apektado ang 1,829 magsasaka sa Regions I, IV-A, VI, IX, at XII.
Umabot sa 909 ektarya ng taniman ng palay, mais at high-value crops ang napinsala, na nagdulot ng 422 metriko toneladang pagkawala sa produksyon.
Ayon sa DA, nagpapatuloy pa ang assessment at validation sa mga apektadong lugar kaya inaasahang madaragdagan pa ang naitatalang pinsala.
Naghanda na rin ang ahensya ng mga intervention, kabilang ang Php121.6 milyong halaga ng agricultural inputs, Php 1 milyong ayuda para sa livestock at poultry, zero-interest SURE Loan na hanggang Php25,000, at insurance indemnification para sa mga kwalipikadong magsasakang nakaseguro sa Philippine Crop Insurance Corporation. | ulat ni Rey Ferrer