Pansamantala lang at hindi long term direction ang naitalang mabagal na paggalaw ng ekonomiya ng bansa para sa ikalawang quarter ng 2026 na nasa 2.3%.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kasunod ng nai-record na economic growth na aniya’y dulot na rin ng unusual events lalo na ng Middle East conflict.
Ayon kay Castro, sadyang hagip ng nangyaring digmaan ang inflation, fuel prices, trabaho, at remittances habang nagkaroon din aniya ng pagbagal sa public construction.
Sinabi ni Castro na kumpiyansa silang muling sisipa ang ekonomiya ngayong pinapaspasan na ng gobyerno ang paggasta at paglalabas ng budget para sa mga government projects.
Kabilang dito ang pagpapabilis sa mga high-impact infrastructure projects habang nagsisikap ang Administrasyon na mamantine ang price stability at palakasin pa ang exportation at competitiveness.