Naniniwala sila Camarines Sur Representatives Luigi Villafuerte at Migz Villafuerte na mas lalakas na ang papel ng mga lokal na pamahalaan (LGU) sa pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan sa mga liblib na lugar matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12321 o ang “Last Mile and GIDA Schools Act.”
Ayon sa magkapatid na Villafuerte na kapwa co- author ng RA 12321.. papalawakin nito ang access sa edukasyon ng mga mag-aaral na nasa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).
Sa ilalim ng batas inaatasan ang Department of Education (DepEd) na bumuo at maglabas ng pambansang mapa sa loob ng isang taon na magiging gabay sa pagpaplano, paglalaan ng pondo, at pagpapatayo ng mga eskwelahan sa mga malalayong lugar.
Binigyang-diin ni Rep. Migz Villafuerte na isa itong makabuluhang batas upang hindi na maipagkait ang edukasyon sa mga kabataan dahil lamang sa heyograpiya o malayang lokasyon ng kanilang tirahan.
Ayon naman kay Deputy Majority leader Luigi .. malaki ang magiging ambag ng mga LGUs sa hangarin ni PBBM na para sa access sa basic education.
Ang RA 12321 ay nagmula sa House Bill No. 4745, na pinagsama-samang bersyon ng 15 panukalang batas kabilang ang HB 2561 na inihain nina Luigi at Migz Villafuerte kasama sina CamSur Rep. Tsuyoshi Anthony Horibata at Bicol Saro Rep. Terry Ridon. | ulat ni Melany Reyes