Photo courtesy of Philippine Coast Guard
Natagpuan ng isang residente ang hinihinalang bahagi ng rocket sa baybayin ng Sitio Naydi, Barangay Babuyan Claro, Calayan, Cagayan.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, walang nakitang marking ang debris na ngayon ay isasailalim sa masusing teknikal na pagsusuri ng Philippine Space Agency.
Sa ngayon, inilagay na sa ligtas na lugar ang mga piraso ng hindi tukoy na bagay.
Pinayuhan naman ang mga mangingisda at residente sa baybayin na huwag hawakan ang anumang hindi kilalang bagay na napapadpad sa dalampasigan at agad itong iulat sa pinakamalapit na lokal na awtoridad.