Muling iginiit ng House Prosecution na patunay ng tahasang paglabag sa batas ang mga Notice of Disallowance (ND) na ipinalabas ng Commission on Audit (COA) hinggil sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Paliwanag ni private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan, saklaw ng audit ang lahat ng pondo ng bayan at kinakailangang tumalima ang OVP sa Joint Circular 2015-01 na nagtatakda ng mga alituntunin sa paggastos at pagpapatunay sa paggamit ng confidential funds.
Aniya, lumabas sa pagsusuri ng COA auditors na sina Roderick Wamil at Xylene Del Campo, dahil sa presensya na ng prima facie evidence, personal ang pinag-gamitan ng pondo.
Dahil ito sa kawalan ng evidence of success sa pagbabayad ng reward, kawalan ng resibo o invoice sa mga biniling gamit, at hindi pagtutugma ng petsa ng disbursement sa mga liquidation report.