Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang paglabas sa bansa ng mag-ina na sina Sen. Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Ayon kay Dana Sandoval, tagapagsalita ng BI, bumiyahe ang mag-ina sakay ng magkahiwalay na flights noong August 2.
Parehas na walang derogatory records ang mag-ina noong oras nang sila’y lumabas sa bansa kaya’t hindi sila hinarang at pinayagang makalipad.
Nauna nang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na umalis ng bansa ang mag-ina matapos hindi sumipot si Leviste sa subpoena ng NBI kaugnay ng iniimbestigahang umano’y “honey trap” at isyu ng human trafficking.