Nananatiling mataas ang alerto ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa bunsod ng epekto ng mga pag-ulan dala ng habagat.
Batay sa pinakahuling datos ng PNP ngayong umaga, kabilang sa mga rehiyong nagsagawa ng rescue operations ang PRO-CAR, Ilocos, Central Luzon, at CALABARZON.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, nasa 3,000 pulis ang ipinakalat sa mga apektadong lugar upang magsagawa ng disaster response at humanitarian assistance.
Batay sa datos ng PNP, 15 ang napaulat na nasawi, 13 ang napaulat na sugatan, habang anim ang patuloy na hinahanap. Gayunman, daraan pa sa beripikasyon ang mga datos bago iulat sa Office of Civil Defense (OCD).