Pumalo na sa 384,520 ang bilang ng mga apektadong pamilya, bunsod ng pinagsamang epekto ng TS Luis, Bagyong Maymay, at Habagat.
Sa press briefing sa Malacañang, ini-ulat ni Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Laurence Mina, na as of 10AM (August 10), nasa higit 16,000 pamilya ang napaabutan na ng tulong ng gobyerno na nananatili sa 624 evacuation centers.
Habang 11,000 ang napagsilbihan ng gobyerno na nananatili sa labas ng evacuation center.
Mula ito sa Region I, II, CAR, III, CALABARZON, V, MIMAROPA, VI, IX, at Metro Manila.
Umakyat na rin aniya sa 367 ang bilang ng mga bahay na napinsala bunsod ng sama ng panahon, kung saan 27 dito ang totally damaged, at 340 naman ang partially damaged.
Habang patuloy na bini-beripika ang naitalang 12 indibiwal na nasawi, 8 nawawala, at 11 injured, mula sa Region I, CAR, at CALABARZON.
“There are 12 death, 8 missing, ang 11 injured persons who are reported in Region I, CAR, and CALABARZON, on going validations till.” -Asec. Mina