Photo courtesy of Muntinlupa LGU
Kahit pa halos walang tigil ang pabugso-bugsong ulan sa Metro Manila, nabigyan pa rin ng libreng maintenance na gamot at check-up ang mga senior citizen sa Muntinlupa City
Sa pamamagitan ito ng programang RIDEMed o ang buwanang pagbibigay ng maintenance sa mga bedridden na senior citizen at mga nasa 80 years old pataas sa lungsod.
Personal itong dinadala sa kanilang tahanan at kasabay nito ay iche-check na rin ang kanilang blood pressure at kalagayan.
Kabilang naman sa mga gamot na naiabot sa mga rehistradong seniors ay:
- Trimetazidine – para sa chest pain
- Telmisartan – para sa high blood
- Gliclazide – para sa diabetes
- Carvedilol – para sa puso at hypertension
- Clopidogrel – panlaban sa blood clot
Bukod pa ito sa mga dati nang gamot na losartan, amlodipine, metformin, atorvastatin, at vitamin B complex na patuloy na ibinibigay sa mga benepisyaryo.
Para naman sa nga nais magparehistro, maaaaring magpa-register sa lokal na pamahalaan tuwing Lunes, Martes at Huwebes alas-otso hanggang alaS-singko ng hapon. Mayroon din tuwing Miyerkules at Biyernes na ala-una hanggang alas- singko ng hapon.