Photocourtesy of Bureau of Internal Revenue Philippines
Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang August 17, 2026 ang ilang deadline sa paghahain at pagbabayad ng buwis na nakatakda mula August 10 hanggang 16 para sa mga taxpayer sa mga lugar na apektado ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Sakop ng extension ang 58 BIR offices and units kasama ang 53 Revenue District Offices (RDO) at limang Large Taxpayer Audit and Excise Divisions. Kabilang dito ang ilang tax filing, pagbabayad, remittance, pagpaparehistro, at pagsusumite sa e-Filing, e-Payment, eFPS, at manual channels.
Ayon sa BIR, layunin ng extension na mabigyan ng karagdagang panahon ang mga apektadong taxpayer na maisagawa ang kanilang mga obligasyon nang hindi mapatawan ng penalty.
Pinapayuhan ang mga taxpayer na tingnan ang RMC No. 89-2026 para sa kumpletong listahan ng mga sakop na tanggapan at deadline.