Ipepresenta ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong Lunes sa publiko ang dalawang data centers bilang bahagi ng paghahanda sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.
Ayon kay COMELEC Chair Atty. George Erwin Garcia, matatagpuan ang isang data center sa Makati City habang ang isa ay nasa NAIA Terminal 2.
Ang Data Center 1 ay para sa COMELEC, kung saan nanggagaling ang datos mula sa polling precinct, habang nagsisilbing backup ang Data Center 2.
Target namang ng COMELEC na matapos ngayong buwan ang pagpapadala ng mga gagamitin para sa BARMM Elections.