Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng food assistance at iba pang relief supplies sa mga apektadong lugar sa Benguet, Abra, Laguna, Rizal at La Union.
Sa Biday, City of San Fernando, La Union, nagsagawa rin ang DSWD, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at lokal na pamahalaan ng repacking, inspeksyon at pagkakarga ng family food packs para sa paghahatid sa mga apektadong pamilya.
Ayon sa DSWD, nasa limang milyong family food packs ang naihanda nito sa buong bansa, habang P1.61 bilyon ang nakalaan na budget para sa disaster relief efforts. Umabot naman sa P39 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi, kabilang na ang P928,000 na financial assistance sa mga pamilyang namatayan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga social welfare offices ng mga lokal na pamahalaan upang matukoy agad ang mga apektadong pamilya at mapabilis ang pamamahagi ng tulong.