Dahil sa lakas ng hangin dalawang poste ng kuryente ang bumagsak sa isang sasakyan sa South Daang Hari Road kaninang umaga. Sapul ng poste ang dulo ng sasakyan kaya nabasag ang likuran nito.
Dulot naman dito ay pansamantalang hindi nadaanan ng mga sasakyan at residente ang South Daang Hari pero sa ngayon agaran nang tinatanggal ng Meralco ang poste.
Bukod naman sa South Daang Hari may isa pang poste ng Meralco na may transformer ang bumagsak sa Xyris Street, Brgy. Rizal.
Kaya naman mabigat na daloy ng trapiko ang inaasahan sa kalsada na papunta sa Brgy. Pembo.
Tinatanggal na rin ang poste pero pinapayuhan muna ang nga motorista na dumaan sa alternatibong ruta.
Para sa mga manggagaling ng Brgy. Rizal, maaaring dumaan sa Amarillo St. at sa mga manggagaling naman ng Brgy. Pembo ay dumaan muna sa Sampaguita Extension.