Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si PhilHealth President Edwin Mercado, bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH).
Ito ang kinumpirma ni Communications Undersecretary Claire Castro ngayong hapon, August 10. Papalitan nito sa pwesto si Dr. Jose Pujalte Jr., na una nang naitalaga sa pwesto nito lamang Hulyo.
Ayon kay Castro, una nang nagsilbi si Mercado bilang president at CEO ng iba’t ibang ospital mula 2000 hanggang 2016.
Habang magsisilbi namang Acting President ng PhilHealth si Dr. Beverly Lorraine Ho na kasalukuyang Chief Health Officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc.
Una na rin itong nagsilbi bilang asssistant secretary sa DOH noong 2023 hanggang 2024, at undersecretary noong 2022.