Nananatiling normal ang operasyon ng 24 sa 31 electric cooperatives sa bansa sa kabila ng masamang panahong dulot ng Habagat at Bagyong Maymay.
Ayon sa National Electrification Administration (NEA), nakamonitor sila sa mga electric cooperatives ng 20 probinsya ngayong araw.
100% naman o 370 sa 370 na municipalities ang may kuryente pero nagpapatuloy ang restoration o pagbabalik ng suplay para para sa 96,146 na konsumer .
Tiniyak naman ng Department of Energy (DOE) na sa pangunguna ng Task Force on Energy Resiliency, at mga ahensya ng pamahalaan, patuloy ang monitoring at mabilis na aksyon para agarang maibalik at masigurong tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente sa mga consumer.