Binuksan ng Holy Cross Memorial Park ang dalawang karagdagang gate upang maibsan ang pagsisikip sa pangunahing entrada ngayong Undas.
Ayon kay James Manalansan Park Manager, layunin nitong mapabilis ang pagpasok ng mga residente sa kalapit na lugar, gayundin ng mga empleyado ng sementeryo.
Kabilang sa mga alternatibong pasukan ang gate sa Elite View, malapit sa King’s Point Subdivision.
Paalala naman ng pamunuan, mga pedestrian at motorsiklo lamang ang maaaring dumaan dito at hindi pinapayagan ang mga sasakyan.
Sa ngayon, pangkalahatang mapayapa naman ang sitwasyon sa loob ng sementeryo at wala pang naitatalang hindi kanais-nais na insidente.