Aabot sa 5,858 na mga pamilya o katumbas ng 26,000 indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) na apektado enhanced Southwest Monsoon o Habagat na nagpaulan buong weekend sa National Capital Region.
Mula sa bilang na ito, nasa halos 5,000 pamilya ang pansamantalang namamalagi sa 93 bukas na evacuation centers.
Nakapaglaan naman na ang DSWD ng paunang ₱3.7-milyong halaga ng tulong sa mga apektadong komunidad kabilang na ang mga family food packs para sa mga evacuee.
Patuloy rin ang mahigpit na koordinasyon ng DSWD sa 17 lungsod ng NCR para sa real-time na monitoring at agarang pagtugon sa mga posibleng pangangailangan ng mga pamilyang maaapektuhan ng masamang panahon.