Mas mabilis nang mapapababa ang baha sa lungsod ng Las Piñas dahil sa magagamit na flood mitigating pump sa lungsod.
Ang mga pump ay ipinadala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lokal kay DPWH Secretary Vince Dizon.
Ang pumps ay makakatulog sa paghigop ng baha sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang maiwasan na tumaas ang tubig at matiyak na ligtas ang mga residente.
Agad namang ginamit ang pumps sa Zapote River, Brgy. Pulangpula Uno ngayong araw, August 10.
Patuloy namang inaabisuhan ng LGU ang mga residente na ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara sa mga daluyan ng tubig. Manatili ding alerto habang nagpapatuloy ang sama ng panahon.