Umaapela ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na manatiling alerto at kumuha lamang ng impormasyon sa mga mapagkakatiwalaan source.
Pahayag ito ni MMDA Chair Romando Artes, makaraang mag-viral kamakailan ang isang fake news na nagsasabing malalim na umano ang tubig-baha sa Balintawak, na wala namang katotohanan.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na dapat maging mapanuri ang publiko lalo’t marami pa rin ang nagpapakalat ng fake news.
“In fact, iyong isang nag-post tinake-down na po niya kasi marami pong nag-comment doon sa kaniyang post na “Hindi totoo iyan kadadaan ko lang diyan,” marami pong nag-post nang ganoon.” —Artes.
Ito ay kahit pa, nararanasan ng bansa ang magkakasamang epekto ng TS Luis, Bagyong Maymay, at habagat.
Umaapela rin ang opisyal sa publiko na maging mapanuri sa mga post na ishini-share, upang makaiwas na maging sanhi o pagdadala ng kalituhan sa iba.
“So, sana po iyong ating mga kababayan iwasan iyong pagpu-post ng fake news, maging mapanuri doon sa kanilang shini-share para po hindi rin magdulot ng kalituhan sa atin pong mga kababayan.” — Artes