Aabot sa ₱4.9 milyong supply contract ang nakuha ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC) sa ilalim ng Sagip Saka Act.
Ang kontrata ay para sa Assistance to Indigent Individuals or Families Food Assistance Rice Distribution Project, na naglalayong magbigay ng bigas sa mga nangangailangang pamilya.
Ngayong taon, nakapagsuplay na ang kooperatiba ng 7,083 kilo ng brown at pigmented rice sa CSI Warehouse sa Dagupan City, at karagdagang 1,075 kilo ng brown at milled rice sa Agricultural Training Institute.
Katuwang ang RiceBIS Program, patuloy na pinalalawak ng kooperatiba ang negosyo at merkado nito sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Department of Trade and Industry Pangasinan, at Department of Agriculture Regional Field Office 1.

