Mahigpit na tinututukan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang sitwasyon sa Marikina river kasunod ng ilang araw na sunod-sunod na pag-ulang dala ng Habagat.
Batay sa datos ng Marikina LGU as of 9AM, nananatili sa 2nd alarm ang lebel ng tubig ng ilog o nasa 16 meters.
Puspusan naman ang ginagawang clearing operations sa mga mabababang lugar gayundin sa Marikina Riverbanks sa Brgy. Sto. Niño.
Abot sa mahgit 2,000 pamilya o katumbaas ng mahigit 11,000 indibidwal ang nagsilikas sa 29 na mga evacuation center sa lungsod.
Ayon kay Marikina Mayor Maan Teodoro, pinakamarami sa mga residenteng lumikas at inilikas ay mula sa Brgy Tumana at Brgy. Malanday.