Sinagot ni Deputy Speaker at La Union Representative Paolo Ortega ang mga pumupuna kung bakit patuloy na tinututukan ng Kongreso ang impeachment kahit may bagyo at pagbaha sa ilang lugar.
Ayon kay Ortega, constitutional duty ng Kongreso ang impeachment kaya hindi maaaring mawala ang paghahanap ng accountability dahil lamang sa kalamidad.
Aniya, hindi naman napapabayaan ang mga apektado ng pag-ulan at pagbaha dahil nakatutok ang executive branch sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Sinabi niyang magkahiwalay man ang tungkulin ng executive at legislative branches, kapwa nila kailangang gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa gitna ng kalamidad.
Samantala, hindi nakikita ni Ortega na maaapektuhan o made-derail ng pagkansela ng pasok ngayong araw ang impeachment proceedings.
Aniya, bahagyang ahead of schedule ang kanilang impeachment proceedings at mayroon pa silang tatlo hanggang apat na araw na allowance sa timetable.
Giit ni Ortega, kailangang ipagpatuloy ng Kongreso ang constitutional at accountability duties nito habang patuloy ding tinutugunan ng pamahalaan ang epekto ng bagyo at pagbaha.