Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD0
Aabot sa mahigit 223,000 pamilya o katumbas ng mahigit 752,000 indibidwal ang apektado ng pinagsamang epekto ng Habagat gayundin ng mga bagyong Luis at Maymay.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), nagmula ito sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera, MIMAROPA at CALABARZON.
Sa nasabing bilang ayon sa OCD, aabot sa mahigit 10,00 pamilya o katumbas ng mahigit 34,000 indibidwal ang kasalukuyang nasa mahigit 400 evacuation centers.
Samantala, ini-ulat din ng OCD na nasa 300 kabahayan ang nasira, habang umabot na sa ₱1.12 billion ang pinsala sa imprastraktura.
Habang papalo naman sa ₱33.94 milyong naman ang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga apektadong pamilya.