Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang La Mesa Dam na posibleng umapaw kung magtutuloy-tuloy ang malakas na ulan.
As of 11AM, nasa 80.11 meters na ang antas ng tubig ng La Mesa Dam, na malapit na sa 80.15-meter overflow spilling level.
Ayon sa PAGASA, dahil sa Habagat, posibleng magpatuloy pa ang mga pag-ulan ngayong araw kaya posible ang pag-apaw ng dam sakaling lumampas ito sa kritikal na lebel.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga naninirahan sa mababang lugar malapit sa Tullahan River, kabilang ang Fairview, Forest Hills, Quirino Highway, Sta. Quiteria, at San Bartolome sa Quezon City na magingat sa banta ng pagbaha.